Naalala ko lang isulat baka kasi malimutan ko na.. hehe... ang mga pinakaka abangan kong palabas sa telebisyon bago ako lumipad patungo dito sa UAE.
Pinakauna sa tala ang Jewel in the Palace. Naantig ako sa istorya nito, tyak na pakaka abangan ng bawat manonood. Hindi lang kasi sya nag focus sa love story ni Kapitan Ming at ni Jang Geum. Maraming aral tungkol sa pakikipag kapwa ang aking natutunan, at ang pasunod sa iyong mga responsibilidad. Ang patupad sa iyong mga pangarap at sinumpaang tungkulin. Ibig ko ring maging tulad ni Jang Geum, isang matatag na babae sa kabila ng mga mabibigat na pagsubok. At syempre gusto ko ring makatagpo ng isang lalaking magmamahal sa akin. Ang magiging kasama ko habang ako ay nabubuhay. Ang labis na pagmamahal sa mga taong humubog sa iyong pagkatao. Lalo kong minahal ang aking ina sa tulong ng palabas na ito. Ang tapat na pakikipag ibigan na maging sa paglipas ng matagal na panahon ay hindi matitinag. Kahanga hanga. Salamat sa kapatid kong si Carol dahil kahit paano nasubaybayan ko ito kahit na ako ay malayo.
Ang Encantadia at ang Ether
ia. Labis akong humanga sa mga effects nila. Kakaiba sa mga ordinaryong palabas sa telebisyon. Ang kwento ng pag ibig at pakikipagsapalaran ng mga hindi pangkaraniwang nilalang. Natutunan ko na ang pagtatanim ng selos at galit kaylanman ay walang naidudulot na kabutihan. Matutong magpatawad upang magkaroon ng ka
payapaan. Ang panlilinlang ay kaylanman ay maibabalik sa katotohanan. Walang madilim na lihim na hindi nabubunyag. Nagustuhan ko rin ang palabas na ito dahil syempre nariyan ang aking mga idolo sa larangan ng pag arte kaya labis ko itong kinagiliwan... hehe... ang gwapong gwapong si DingDong Dantes... haaaaaizz. kaka inlove talaga.. hahaha... Gusto kong makahanap ng ganyang kagwapong lalaki.. sana ganyan ang Mr Right ko.. hehe...
Ang Majika. sinubaybayan ko nandito na ko sa Dubai, sa bahay namin sa Satwa. Yan na lang ang aking naging libangan pagkatapos ang lahat ng pagod sa buong maghapong pagtatrabaho. Kahit umabot pa ko ng ala una ng u
maga sinusubaybayan ko sya. Masarap talaga ang magmahal. Yan ang tinuturo ng palabas na ito. Na kapag ikaw ay umiibig hahamakan moang lahat masunod lamang ang tinitibok ng iyong puso. Natapos ko ang palabas na ito sa tulong naman ni sis Kat. hahaha. salamat sa matyaga nyang pagkukwento sa akin. Ang sabi pa nga niya... Isa lang ang tema ng palabas, na pag umibig ka nagiging tanga ka. hehe. sabagay may punto sya sa isang banda. totoo din kasi minsan na ang pag ibig ay nakakabulag. haay basta ako ang akin lang.. kay sarap umibig at ibigin ka.
Captain Barbell, haay ang wafu talaga ni Richard, hehe. Tunay na pagkaka ibigan at tunay na pagtupad sa tungkuling naiatang sayo. Yan ang aral ng palabas na ito. Hindi ko sya masyadong nasusubaybayan at hindi ko napanood ng buo ngunit nalaman ko ang mga importanteng detalye sa tulong pa rin ng aking kaibigan na si sis Kat. Yan lang din ang aking libangan matapos ang buong araw na paghahanap buhay para kumita ng dirham. hahaha.
Nauso ang mga chinovela nung panahong malapit na akong magtapos ng kolehiyo. Unang una jan ang meteor garden. Kakaiba ang palabas na ito. Nasimulan ko sya at naibigan hanggang sa dulo. Kwento ng pagkakaibigan at pag ibig. F4. ang samahang hindi natitinag. Masara
p makatagpo ng mga kaibigang laging nandyan para ikaw ay tulungan sa mga oras na pangangailangan.
Pagkatapos ng phenomenal na Meteor Garden sari-saring chinovela ang nagsulputan pero ang mga ito ang mga hindi ko malilimutan. Ang istorya ng dolphin bay, nakakaiyak din sya, kwento n
g dalawang magkaibigan sa ampunan at naging maging magkasintahan. Ang pagtupad ni Marianne sa pangarap nyang maging sikat na mangangawit. "Its a long long journey, i dont know where Im supposed to be.." ang mala angel nyang boses at mukha. Nakakakilig ang istorya na may konting twist ng dahil sa love triangle. Ang pag ibig nga naman hindi magiging makulay kapag walang mga sagabal at konting hadlang...
Sassy Girl Chewn yang, haha. kakatuwa ang palabas na ito. Ang ganda ni Chewn yang noh? ang cute nila.. haha. wala na ko sa mood magsulat basta maganda sya... haha... Commedy ang labas nito hango sa cartoons kaya ung mga effects kakaiba din. Basta kakilig pag napapanood nyo silang dalawa at sasakit tyan nyo sa kakatawa.
Ang Endless love 2, winte
r sonata. Ang masalimuot na pag iibigan nina Jun Khang at (nalimutan ko ung name nung babae,lol) basta. Kakaiyak kasi to. haha. ang pag iibigan na nagsimula nung High School pa lamang sila. Maraming taon ang nakalipas at ang pagkawala ng ala ala ni jun ay hindi naging hadlang sa pag iibigan nila. Isipin mo na lamang kung gaano kahirap na ang inakala mong patay na iyong iniibig? at may isang babalik na iba ang katauhan sa kaparehong itsura. napakahirap. ngunit paraiso ang muli syang makapiling habang buhay.
CHOLO at JODI, ang sarap ng madaming nagmamahal ngunit mahirap pag madaming gustong sumira sa magandang buhay mo. Madaming gustong humadlang ng dahil sa inggit. Nakakalungkot lang nga kasi namatay ang
bidang babae, si Jodi... kaya naging Stairway to heaven. Ang sarap magmahal ni Cholo, hehehe. kakainlove sya.. haaaay...
Ang ALL TIME FAVORITE kong cartoons. si Kenshin Himura. haaaaay Batusai, hehe... basta gusto ko syang ulit ulitin. Naalala ko nung mag isa lang ako sa bahay nung napanood ko ang ilan sa mga huling kabanata ng palabas na ito. Nakita ko ang aking sarili na umiiyak... nakaka hanga ang kanyang pagkatao, sa loob ng isa
ng kilalang mamatay ay nagkukubli ang isang napakagandang katauhan. Ang pag gamit ng sandata ay may kaakibat na responsibilidad. May kapangyarihan kadikit ngunit hindi dapat ginagamit para mang abuso ng kapwa. Ang pananalig sa kabutihan ang tyak na panalo. Kaylanman hindi mananaig ang kasamaan sa kabutihan.. ang sarap magbalik sa panahong adik ako sa panonood ng palabas na ito. ang sarap balikan ang mga iyong kabataan, lol. Kahit di pa ko ganong katanda feeling ko kasi ganon na ako. hehe. But nway i really like this film. Sabi ko nga Kenshin ipapangalan ko sa anak ko eh. hahaha. peace outs!
Kung napapansin nyo parang puro pambata yung napapanood at paborito ko. Ewan ko din ba. Basta yan ang mga gusto kong palabas. Kung hindi pambata e mga commedy or love story. Ayaw ko na ng drama. Naalala ko yung kinuwento ng reviewer namin, si Mr Roque, kung manonood ka lang bakit papahirapan mo ang sarili mo kakaiyak... so ayun tumatak sa isip ko. haha.. but nways gusto ko rin sana nung mga drama na sobra yung mapupulot mong aral. Sa totoo lang kaya kong magstay sa bahay sa loob ng isang araw basta may TV lang... ADDICT ako eh.. haha.. at saka parang kaibigan mo na rin sya dahil napapaligaya ka nya. at higit sa lahat hindi sya nang iiwan pag kaylangan mo.