Saturday, February 24, 2007

Isang taong malayo sa piling mo...

Wow! Mag iisang taon na ko sa Dubai. Ang bilis talaga ng panahon... haaaaaay.. parang kaylan lang nung dumating ako dito, pero ngayon isang taon na ko. Ang dami na ring nagbago sa buhay ko. Sa tingin ko mas lalo akong naging matatatag sa pagharap sa mga hamon ng buhay. Madaming problema dumating sa akin, ngunit gaya ng mga matatandang puno sa kagubatan... sa kabila ng mga nagdaang unos ay patuloy pa rin sa pagyabong ang aking mga sanga, at umaasang mamumulaklak at magbibigay ng panibagong buhay sa mga darating pang mga araw.


Minsan nalulungkot ako. Ay! hindi pala minsan.. hehehe.. madalas pala dapat. Naiisip ko ang pamilya ko. Sa totoo lang masasabi kong hindi ganun kaayos ang aking pamumuhay dito. Sa tirahan pa lamang, ang laking kaibahan ng bahay namin sa pinas kung ihahambing sa tirahan namin dito. Nalulungkot ako dahil kaylangan kong tiisin ang lugar na iyon, bagama't may ibang choice pero mas pinili ko kasi yon. Nung nakaraang linggo, hindi ako pinapatulog ng aking karamdaman. Naalala ko ang pag aaruga ng aking ina kapag ako ay may sakit. Lubos akong nangungulila sa kanyang pag aaruga. Ang hirap malayo sa pamilya.. mahirap mag isa.... Ngunit naisip ko na hindi rin naman ako talaga lubusang nag iisa, dahil madami pa ring nagmamahal sa akin.. ang aking mga kaibigan. Nagpapasalamat ako at dumating sila sa aking buhay.. bagamat hindi maiiwasan ang mga tampuhan. Tulad ng isang taon kong kasama sa bahay dito sa dubai, si Ate Nica. Well, lilipat na sya sa katapusan. Kung iisipin nakakalungkot... pero HINDI rin pala... hahaha... Sabi nila ang mga kaibigan madali lang hanapin pero mahirap ang tunay na kaibigan. Tama sila. hahaha. Kasi all that time akala ko tunay na kaibigan ko na si Ate Nica, but I'm wrong. haha. ang aming pagsasama ay mabibilang na isang bahagi na lamang ng nakaraan. Matapos lahat ng pinagsamahan namin, ng dahil sa isang beses na pag puna ko sa kanya, nasira na lang sa isang iglap. hehehe. Wala akong sinisisi sa sitwasyon namin ngayon, siguro talagang ganon ang buhay. COME WHAT MAY na lang ang drama ko. hahaha. Mabuti na lang din yung nangyari, mas matatahimik na sigurado ang buhay ko. Wala na kong iintindihin at higit sa lahat, wala ng magpapasakit ng puso at damdamin ko. hehe. Madami pa naman akong kaibigan, kung baga... hindi ako nawalan nung awayin nya ako. hahaha. Kung sasabihin nya na hindi sya nawalan pareho lang kami. Kaya kong mabuhay ng wala sya. Basta ang alam ko, hindi ako ang nagbago at hindi ako dapat unang magbababa ng pride, dahil hindi ko naman deserve lahat ng ginawa nya. hehe. But yeah wala na naman akong galit sa kanya eh. Naaawa lang ako sa kanya. YUN LANG. hahaha. Good luck sa kanyang napiling buhay. Magiging masaya ako kung masaya sya. uyy di ako plastik ha? ganyan talaga nararamdaman ko. hahaha. AYAW KO SA PLASTIK!!


Sabi nga ulit sa nabasa ko, there are 3 peoples in your life. one that comes for a reason, for a season and for a lifetime. I guess isa sya dun sa for a reason... she helps me stand on my own and after that she left. Ganyan talaga ang buhay, may katapusan ang lahat. Pero sana kaibigan isa ka sa mga maiiwan... yung mga taong for a lifetime ay nanjan...

No comments: