Thursday, October 18, 2007

October Update

Nanalo ako sa singing contest! ahahaha... I think last 3 weeks ago tinawagan ako ng kaibigan ko from Dubai Internet City ( Ate Ethel) kaylangan daw nila ng contestant para sa ginagawang site. Nahiya ako pero napilit din akong magjoin. Sa tulong ni Ate Joy naka pagrecord kami ng video to post and make entry on the contest. Then Round 1 has begun. I won and 2nd round I was 2nd place. Nakakatuwa ksi ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sumali sa contest... lalo na sa singing contest. hehehe. Actually kung hindi lang talaga ako kinapos ngayong month na to hindi rin ako sasali. buti n lang ksi di ba sayang din yun? Ang total cash prize na nakuha ko ay tumataginting na 325 US Dollars o 14,000 pesos. hehehe. Sa lahat ng mga bumoto sakin dahil naawa sila hahaha.. thanks a lot po. Kina Nay Lestie na nangampanya sa malayong lugar na Norway. Si ate Mulan na talaga namang tumulong sakin para makapagregister ung iba. Si Grace na nangalap ng mga email ID at password. Sa lahat sa bahay na Villa 12 (Tita Lilia, Kuya Ed, Ate Allona, Mike, Ate Love, Ate Grace, Ate Joy, Kuya Donald, Kuya Jonathan, Ate Mitch, Mareng Michelle ko, Kuya Aris, Kuya Julius, Noris & ETISALAT! hahaha...kasi may internet connection kami sa bahay) Kay Papa Joven na bumoto din sakin sa huli :P thanks pa.. muaaaaah. Basta sa lahat salamat. Sa mga opismate ko din.. si Mr. Madhu pinalad na manalo ng 50 dollars for voting... sayang sana lahat tau e nanalo.. hehe.. la lang... eto nga pala ung entry ko.. ahihi...

****

EID MUBARAK 2007

Last week Friday celebration ng Eid para sa mga Muslim dito sa Dubai at sa buong mundo. Para itong Pasko sa kanila. After 1 month ng fasting e natapos na din ang kanilang paghihirap. For us... ang sarap kasi 3 days kami walang pasok, from Friday to Sunday. I have a Muslim friend, dahil sa may tampuhan kami e hindi ko sya binabati for 2 days bago mag friday kasi naman ang lakas na ng topak nya.. cguro dahil sa gutom.. hehe.. joke... but that day... (friday) he calls me... nagtatampo kasi naman diko man lang daw sya babatiin sa isa sa importanteng araw sa kanila...EID nga yon... e di ayun binati ko and then were ok again. He is Noris. Iraqui sya at kapitbahay ko.. hehe... actually sa kabilang room lang sila kasama si kuya Romy. haaaaaay... Then Saturday morning nagpunta kami sa beach together with other folks sa Villa 13, nagkaisa buong Villa 12 & 13 para makapag enjoy kami sa araw na yon. Masaya kasi first time ko lang nagpunta sa Jumeira beach park after more than 1 and half years. By the way hindi ako nakapasok for 2 days kasi may sakit ako. kawawa. hehhee... then ayun natapos ng masaya ang araw ko. Post ko na lang ung pictures if I got the copy na.