Tuesday, February 20, 2007

Samahan nyo ako sa aking pagsisimula....


Halina at pasukin ang makulay na mundo ng aking buhay. Samahan nyo ako sa aking paglalakbay sa gulong ng kapalaran. Maging ikaw man ay aking kaibigan o kaaway. Ito na ang simula ng isa na namang panibagong pakikipagsapalaran sa malawak na mundo ng teknolohiyang ating ginagalawan, ang mundo ng mga gagamba. Sabay sabay natin tuklasin ang hiwaga sa misteryo ng mga kabanata ng aking buhay. Dito nalalathala ang aking kaisipan, nararamdaman at mga pangarap at mithiin sa buhay. Maging ang aking mga hinanakit at kailaliman ng aking pagkatao. Magmula sa simple hanggang sa pinaka komplikadong yugto ng aking panahon sa mundong ating ginagalawan. Aking mga paniniwala at pananampalataya sa iisang tgapagligtas at Diyos. Kung paano ako bilang isang tao at isang mabuting tagapaglingkod. Halina at Samahan nyo ako. Simula na...

No comments: