Kaytagal mong nawala, babalik ka rin… babalik ka rin…
Tama talaga ang awit na ito para sa akin. Isang taon!!! Kung iisipin napakabilis nga lang talaga ng panahon pero ang isang taon sa tulad kong nangingibang bansa para magtrabaho ay napakatagal na. Nakakapagod din kasi ang mag isa sa bansang banyaga. Iba pa rin talaga sa pinas.
Last month pinalad akong magkaron ng bakasyon sa loob ng isang buwan. May 4 ang flight ko papuntang pinas. Laking tuwa at saya ang naramdaman ko paglapag ng eroplano sa bansang tinubuan. Saka ko naalala na bakit nga ba ako lumayo? Worth it ba ang paglayo ko sa mga taong mahal ko? Napaiyak ako pagkakita at pagyakap ko kay nanay. Miss na miss ko na pala sila, pinipigilan ko lang ang sarili ko para di ko maramdaman ang sobrang kalungkutan, pero sa pagkakataong iyon di ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha.
Kinabukasan (May 6,2007) pagdating ko tamang tama… Fiesta sa amin.. haha.. pero wala kaming handa. Haha. Ok lang at least kasama ko mga mahal kong pamilya. Sa kauna unahang pagkataon nasilayan ko ang pinakagwapo kong pamangkin. Ang sarap ng feeling. Proud na proud ako na may pamangkin akong tulad nya. Hehe.
May 7, 2007, isa sa mga araw na hindi ko malilimutan. Ang pagtatagpo naming ng pinakamamahal ko, sa unang pagkakataon. Sa Metropolis Alabang naming napagkasunduang magkita. 12pm. Hayyy kakaibang pakiramdam. Labis na kaligayahan ang aking nadama… mahal na mahal ko talaga sya. Masaya ako dahil sya ang napili kong mahalin. Ang pagkikitang iyon ay nasundan pa ng marami. Labis na kaligayahan. Joven Abalos ang pangalan nya. At nag iisa lang sya sa buhay ko. Nun ko naramdaman ang labis na kaligayahan.
“Papa masaya ako at ako ang minahal mo. Pangako kong mamahalin kita habang ako ay nabubuhay.”
Masaya ang bakasyong iyon hanggang sa lumalapit na naman ang muli kong paglisan. June 1 may nalaman akong bagay na di ko kaylanman inaasahan. Meron daw akong cyst sa ovary at kaylangan kong maoperahan. Sobrang takot at kaba. Naiyak ako habang tumatawag ako kay papa at binalita ang natuklasan ko. Masakit pero salamat sa Diyos at naoperahan ako ng maayos. Sa lahat ng iyon kasama ko sya… ang aking asawa.
“Pa salamat at hindi mo ko iniwan sa mga panahong kaylangan kita.”
Ang isang buwan ay nadagdagan pa ng isa pa ulit dahil kaylangan kong magpagaling. At masaya ako sa mga araw na yun. Iba talaga sa buhay ko ditto. Hinding hindi ko ipagpapalit ang mga sandaling iyon.
Dumating ang araw na aking inaasam. Ipapakilala na nya ko sa pamilya nya. Ito ang pinaka unang pagkakataon sa akin na gawin ng isang lalaki ang mga bagay na ito. Ang saya saya. Paraiso ang lugar na iyon sa tulad naming nagmamahalan. Alam ko.. balang araw… matutupad lahat ng mga pangarap namin sa tulong ng Diyos.
Oras na ulit ng aking paglayo. Ang bigat bigat sa kalooban ko ang muli kong pag alis. Ayaw ko ng bumalik sa bansang nagbibigay sa akin ng sobrang kalungkutan. Ngunit anong magagawa ko? Kaylangan eh… pero hanggang kaylan kaya ako tatagal ulit?
Ngaun pa lang gusto ko ng umuwi sa piling nya. Araw-araw naluluha ako kapag naaalala ko ang mga sandaling kami’y magkasama. Ang sarap balikan. Gusto ko ng umuwi pagkatapos ng ilang bwan. Kaylangan kong magpakatatag para sa panganga ilangan ng aking pamilya. Papa kung alam mo lang ang lungkot na nadarama ko ngaun. Gustong gusto na kitang makasama. Mahal na mahal kita.
Kahapon (July 4) di ako pumasok kasi nalulungkot ako. Sobra… Buti na lang nakapag chat kami ng papa ko. Pagkatapos nun nipadevelop ko ung pictures namin. Hehe. Sabay iyak. Nyahaha. Pag malungkot ako yun na lang ang titingnan ko para medyo mabawasan ang sakit at lungkot na nadarama ko.

Ngayon nagdesisyon na ako. Kaylangan kong magpakatatag at tiisin ang buhay Dubai sa loob pa ng ilang buwan. Makaipon lang ako ulit ay babalik na ako sa Pilipinas. Ang totoo nyan 2 ang plano. Ang pumunta si Joven sa Dubai at bumalik ako sa Pinas. Kung papalarin magiging ok ang lahat.
“Basta papa hintayin mo lang ako… Ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay………”
No comments:
Post a Comment