Tila by Lani Misalucha
Tila inulan ang puso ko
Nang nalamig ang 'yong pagsuyo
O bakit nagbago ang 'yong pagtingin
Parang malamig na panahon
At nang ikaw ay kinausap ko
Habang ang ulan ay bumubuhos
Nakita ko sayong mga mata
Na gaganda din ang panahon
Chorus
Tila hihina rin ang ulan
Tila lilipas din ang bagyo
Kahit madilim ang kalawakan may nagtatagong
Sinag sa ulap
Tila inulan ang puso ko
Nang parang naglaho ang pagibig mo
O bakit ka kaya nagbago
Sinlamig ng panahon
Chorus
Tila hihina rin ang ulan
Tila lilipas din ang bagyo
Liliwanag din ang kalangitan
At ang araw ay sisikat nang muli
Bridge
Ang karimlan ay haharapin
Matatanaw ko rin Bughaw na langit
Umaasang ang pagibig mo ay magbabalik
Pawiin mo ang lungkot sa puso ko
Kahit madilim ang kalawakan
May nagtatagong sinag sa ulap
Chorus
Tila hihina rin ang ulan
Tila lilipas din ang bagyo
Liliwanag din ang kalangitan
At ang araw ay sisikat nang muli...
Ang kanta na ito ang paulit ulit kong naiisip at inaawit sa buong araw. Ewan ko ba kung anong ibig nya pahiwatig. Naalala ko ang isang kasama ko sa bahay namin. Gusto na nya umuwi ng Pilipinas, wala pa kasi syang makuhang trabaho at kung meron man halos kapareho lang din ng sweldo nya sa Pinas. Nagdadalawang isip sya kung uuwi ba sya or magstay dito sa Dubai. Mahirap tanggapin at isipin na nabigo sya dito. Tulad ng ilang mga naging kaibigan ko na hindi pinalad sa pangakong trabaho ng Dubai. Si Kuya Alex at Michelle. haay nakakamiss din sila. Laking pasasalamat ko na rin at pinalad ako dito sa tulong na rin ni Lord. Naalala ko isang taon na ang nakakalipas..... Umiiyak ako dahil wala pa rin akong trabaho at ang pera ko na lang ay 100 na dirhamo. Di ko alam kung saan ako pupulutin. hehe. Pero pinagkaloob ni Lord tong work ko. Salamat talaga. Ngayon bayad na ko sa lahat ng aking mga pagkakautang at nakapagpaayos na rin ako ng bahay namin. Masaya na rin ako sa kabila ng mga panahong pakiramdam ko ay bigo ako ay dumadating ang tulong. Kay buti talaga ni Lord. Blessing sa akin ang lahat ng nasa akin ngayon.
Tulad ng awit na ito. Sa bawat pag ulan merong bahagharing naghihintay sumilay. Sa buhay natin may katapusan din ang lahat ng problema. Basta ang mahalaga ay wag kang mawawalan ng pag asa at pananampalataya sa Kanya. Hinding hindi nya tayo papabayaan. Sa bawat pagsubok may kapalit na kaligayahan. Hihina rin ang ulan kaibigan.. at sa bawat pag ulan... magsaya ka dahil mas maliwanag na araw ang sisilay sa kalangitan...
No comments:
Post a Comment