November 1, 2007, 13th death anniversary ng Tatay ko. Pangalawang taon ko ng indi nakakadalaw sa puntod ng aking ama. Minsan naiisip ko sya lalo na sa mga panahong nangungila ako sa pagmamahal. Bata pa kasi ako ng namaalam sya sa amin. Halos lumaki ako ng walang ama at hungkag ang isang parte ng aking pagkatao. Minsan ko lang mailabas lahat ng hinanakit at lungkot ko hinggil sa pangungulila ko sa aking ama. Minsan kapag nakakakita ako o nakakakilala na malapit sa kanyang ama hindi ko maiwasan ang malungkot at magdamdam. Kung iisipin halos lumaki at nagkaisip ako na walang matatakbuhang ama na magbibigay sa akin ng kailangang pagmamahal. Nagdalaga ako at gusto ko sanang kapag ako ay nagmahal mapapakilala ko sya sa tatay ko, ngunit alam kong indi na kaylanman mangyayari yun. Hindi ko maipaliwanag ang lungkot na nararamdaman ko ngayon. Ang daming mga bagay at pangyayari na alam ko.. kailangan ko ang kalinga ni tatay. pero wala na talaga kong magagawa. Maaga kaming nangulila sa kanya. Sa ngayon masaya ako kapag mga lalaki ang nsa paligid ko. Minsan na mimis interpret ng mga tao sa paligid ko ang pagiging malapit ko sa mga lalaki at masakit man pero yun talaga ang kahinaan ko... at minsan maraming nagsasamantala sa kahinaan kong yon. Ang totoong dahilan.. hinahanap ko ang aking ama sa kanila... ang pagmamahal at pag aalaga. Wala rin akong kapatid na lalaki kaya eto maraming pagkukulang... Masaya naman ako at marami akong kaibigan... maraming napagsasabihan ng mga saloobin at pananaw sa buhay. Namimiss ko din sila. Si Tatay Ricky isa sa mga tinuturing kong ama amahan... hehehe.. bagamat bata pa sya isa sya sa mga taong pinakarerespeto ko. Basta isa sya sa tinuturing kong pangalawang tatay. Kung mabibigyan nga ko ng pagkakataon gusto ko siya tulungan. Hmmmn.... tama na nga at baka maiyak pa ko... sa susunod na lang ulit ako magkukwento...
Thursday, November 1, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment