Thursday, November 22, 2007

Plan of Getting Married?? Hmmmnnnn

Today Nov.22 in one of the most special day para sa dalawa kong malalapit na kaibigan ( Gary & Nina ). Its their WEDDING DAY! Sa araw na ito sila magsusumpaan sa harap ng tao at ng Diyos ng kanilang marubdob na pag iibigan. ahihi... Simple man ang naging okasyon alam kong isa ito sa pinakamemorable na pangyayari sa kanilang buhay. Sayang nga lang at hindi ko nasaksihan ang mga kaganapang iyan. Malayo man ako, pinapaabot ko ang aking taos pusong pagbati sa bagong Mr & Mrs Cacananta.

I remember when we were in college, we were 9 in our barkada... Grace, Nina, Fat, Mean, Mean T., Nina, Judy, Angel, Tudy and ME. Nung mga time na yun ni isa wala man lang akong napusuang lalaki... ahmmn ( wala ksing nanligaw sakin nun that time.. sssshhh... ) ahaha... nways kahit ganon man enjoy ako sa college life ko. Serving God & others tru our beloved Koino. Hmmn nalilihis ako sa topic. College days ng maunang nahulog ang puso ni Tudy... ang unang naging ina sa amin... but sad to say e panandalian lang...then bago kami magtapos ng kolehiyo si Angel naman... kakagulat na balita... then nagkahiwa hiwalay na kami ng landas dahil kelangan n namin lahat humarap sa tunay ng mundo at reyalidad... Nagwork ako at dumating din ang time na akala ko lalagay na din ako sa tahimik ngunit.. tyaraaan... nadurog ang aking HEART.. nyahaha.. but i continue with my life hanggang eto nga at napadpad ako dito sa Gitnang Silangan to mend my broken heart... hehehe... Then Meanne finally come in... papakasal na daw sya.. wahahaha.. nauna pa sa akin ang barkada kong pinaghinalaan pa naming isang Tbird.. nyahaha... but really Im happy for her... nakita ko ang transformation nya.. from titibo tibong fashion style nya.. hanggang sa lumandi pa sa akin.. wahaha..(peace out dude). Then Judy got married also with her long time bf Uyuth... Then eto n nga si Nina... At early next year.. ang itinuturing kong besfren... si Grace at Roldan... Im so sad kasi naman wala ako sa araw na yun... ang that is for sure na.. haay.. but nways i wish them good luck..



Aba aba... grabe napag iiwanan yata ako ah.. ahihi... sabi ng madami e ako daw ang maraming fafa sa buhay pero bakit ngaun ako ang nahuhuli? ahaha... planning to get married have cross my mind so many times... pero anong magagawa ko? hanggang plan pa lang ako.. ahahaha.. sabagay sabi ng iba bata pa naman daw ako hmmmn... pede na rin.. ahaha... hopefully if all our plans get tru baka end of 2008 e magpatali na rin ako.... if God's will... hehhee...

BASTA CONGRATULATIONS SA LAHAT NG MGA MAHAL KONG IKINASAL NGAYONG TAONG 2007!

(Josie, Meanne, Nina, Jelai, Ate Bhecks)

Thursday, November 1, 2007

Nobyembre a Uno...

November 1, 2007, 13th death anniversary ng Tatay ko. Pangalawang taon ko ng indi nakakadalaw sa puntod ng aking ama. Minsan naiisip ko sya lalo na sa mga panahong nangungila ako sa pagmamahal. Bata pa kasi ako ng namaalam sya sa amin. Halos lumaki ako ng walang ama at hungkag ang isang parte ng aking pagkatao. Minsan ko lang mailabas lahat ng hinanakit at lungkot ko hinggil sa pangungulila ko sa aking ama. Minsan kapag nakakakita ako o nakakakilala na malapit sa kanyang ama hindi ko maiwasan ang malungkot at magdamdam. Kung iisipin halos lumaki at nagkaisip ako na walang matatakbuhang ama na magbibigay sa akin ng kailangang pagmamahal. Nagdalaga ako at gusto ko sanang kapag ako ay nagmahal mapapakilala ko sya sa tatay ko, ngunit alam kong indi na kaylanman mangyayari yun. Hindi ko maipaliwanag ang lungkot na nararamdaman ko ngayon. Ang daming mga bagay at pangyayari na alam ko.. kailangan ko ang kalinga ni tatay. pero wala na talaga kong magagawa. Maaga kaming nangulila sa kanya. Sa ngayon masaya ako kapag mga lalaki ang nsa paligid ko. Minsan na mimis interpret ng mga tao sa paligid ko ang pagiging malapit ko sa mga lalaki at masakit man pero yun talaga ang kahinaan ko... at minsan maraming nagsasamantala sa kahinaan kong yon. Ang totoong dahilan.. hinahanap ko ang aking ama sa kanila... ang pagmamahal at pag aalaga. Wala rin akong kapatid na lalaki kaya eto maraming pagkukulang... Masaya naman ako at marami akong kaibigan... maraming napagsasabihan ng mga saloobin at pananaw sa buhay. Namimiss ko din sila. Si Tatay Ricky isa sa mga tinuturing kong ama amahan... hehehe.. bagamat bata pa sya isa sya sa mga taong pinakarerespeto ko. Basta isa sya sa tinuturing kong pangalawang tatay. Kung mabibigyan nga ko ng pagkakataon gusto ko siya tulungan. Hmmmn.... tama na nga at baka maiyak pa ko... sa susunod na lang ulit ako magkukwento...