Saturday, September 1, 2007

Kanta Tayo mga Kakoino

Tarakanta tayo... matagal tagal na din akong di nakaka awit. Dati naalala ko nung time ko sa Koino, kapag depressed sa class punta lang ako sa munti naming tahanan sa pagitan ng dalawang restroom sa main building ng Letran. Uupo sabay hawak sa song book at gitara. ALAS! Kantahan na... sabay sa kwentuhan awitan ng walang humpay hanggang mawala lahat ng di magandang pakiramdam. Madalas malungkot lalo na kapag hirap sa klase at may problemang personal. Pero kapag nasa Koino na ko Hala! tanggal ang lungkot, wala ng lumbay. hehe. Mahal na mahal ko ang Koino kasi ang dami kong natutunan dito, bukod pa sa mga taong miyembro nitong parang tunay na kapamilya na ang naging turingan. Minsan naging isang iyakin at mahinang Donna ako, pero dahil sa Koino kahit paano naman masasabi ko... "SOMETHING'S CHANGE" Haaay, ang dami ko ng namiss na Activities nila since I went here in Dubai for a reason. Saktong sakto kasi malapit na kaming bumuo ng branch dito sa Dubai... wahaha.... Dahil sa namiss ko ang pagkanta lalo na ung service ko sa church.... I decided!!!!! haha... tsarannnnnn... pupunta ako sa St. Mary this Friday for an audition... ehem ehem, miya AAAAAAOOOOOOO( hahaha ). At hulaan nyo kung sino kasama ko? hmmmmn Si Ate Carmel, isang tatak KOINO. Ibang klase talaga! Sana makapasa kami para naman mapagpatuloy ko ang aking pagsisilbi sa Kanya. Sa totoo lang nakakamiss din talaga. I remember nung college ako ultimo Our Father di ko memorised... kakahiya pero thanks GOD kasi naging Koino ko at mas lalong napalapit sa Kanya. I really miss the old days...
Here are some captured moments of some members of Koinonia family, I grabbed this from You tube.. nyahahaha... posted by one of the resident members. Kakainggit kasi wala man lang ako ni isa sa mga pictures hahaha. Ok lang. At least maganda kinalabasan ng paghihirap nila. Para to sa recruitment nila this semester. Sayang nga at wala man lang akong contribution =(. Nway GOOD JOB Koinonians! WE LOVE, WE SHARE, WE CARE. I love you Koinonia Family and I really miss you guys.

No comments: