Friday, August 10, 2007

Bagong Bahay Bagong Buhay

Ilang beses ko bang kelangan magpalipat lipat ng bahay ha??!! hahaha... siguro sa isang taon mahigit ko dito sa dubai e naka apat na bahay na ko. hahaha. Panlima na to ngayon. Bawat tahanan na matuluyan ko iba't ibang pangyayari... masasaya at minsan malulungkot na bagay.



Siguro nga ganun talaga ang buhay, kagabi di ko talaga inaasahan ung mga nangyari. Ni sa hinagap di ko maisip na magaganap lahat yon. Nakakalungkot isipin na may mga taong tulad nila na kung umasal ay parang walang mga pinag aralan. Sinugod ako ng land lady namin, dahil lang sa nagreklamo ako sa di ko na matiis na sirang aircon! sino ba namang makakatagal sa init dito sa disyerto ha? Ang masaklap pa nun... sinugod din ako ng anak nya... at sa kauna unahang pagkakataon may lumapat na ibang kamay sa aking mukha.... hindi lang basta kamay kung hindi isang kamao... =( ang sa akin lang ok lng naman kung ako lang ang saktan nila, wag na wag lang nila idadamay ang pamilya ko. dahil wala silang karapatan!!! Ang kapal ng mga peys nila. Dahil sa nangyari, napabilis ang paglipat namin ng bahay. Nag empake kami ng gamit at lumipat na. Sa bagong bahay na lang din kami nagpalipas ng gabi.

Sa totoo lang di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngaun. Kung dati awa sa sarili dahil nga sa naoperahan ako... ngayon ewan ko na. Gulong gulo ang isip ko. Salamat na nga lang sa mga kaibigan kong dumadamay sa akin ngayon. Ngayon ko napatunayan na mahirap pala talaga ang mag isa... kung ako lang siguro bumigay na ko. haaaay. (naglalabas lang po ako ng sama ng loob). Minsan naiisi p ko na ito ba lahat ang kabayaran sa lahat ng mga kasalanan ko? Ok lang tatanggapin ko.



Sana lang may magandang mangyayari sakin sa aking bagong tahanan. Lord knows.

(Lord please help me to move on and start a new life... a life according to your words.)

No comments: