Today is April 8, 2009. Miyerkules Santo, (nung sinulat ko ang post na to).
Isang holy week na naman ang dadaan sa buhay ko bilang isang Kristiyano. Minsan naiisip ko at nararamdaman ko na nitong dalawang taong nagdaan, maraming mga obligasyong pangrelihiyon ang hindi ko nagagampanan. Nagkukulang na ako sa pagpapakita ng aking pananampalataya… Nanghihina ang aking pang ispiritwal na kamalayan.
Ngaung mahal na araw na nagdaan, naisip ko lang balikan lahat ng magagandang nakaraan ko bilang isang masugid na taga sunod sa ating simbahan. Nakakamiss din lahat ng mga yun.
Sa totoo lang marami na kong religion na napasok simula sa aking pagkabata. Maliit ako nun ng mamumulat sa pagiging born again Christian. Wala pa akong muang sa pagiging isang mabuting taga sunod sa Diyos, basta ang alam ko suma sama lang ako sa kung saan ang religion ng nanay ko. Sa mga panahong iyon ng aking kabataan, siguro mga 6-9 yrs old ako nun, marami pa ring mga bagay bagay na hindi ko maintindihan. Kapag mahal na araw ang alam ko lang e kelangan naming sumama sa prusisyon para ipakita ang aming pagsisisi sa mga nagawang kasalanan sa buong taon. Walang paltos na kapag Biyernes Santo kasama kami sa mga nagpuprusisyon.
Sa totoo lang marami na kong religion na napasok simula sa aking pagkabata. Maliit ako nun ng mamumulat sa pagiging born again Christian. Wala pa akong muang sa pagiging isang mabuting taga sunod sa Diyos, basta ang alam ko suma sama lang ako sa kung saan ang religion ng nanay ko. Sa mga panahong iyon ng aking kabataan, siguro mga 6-9 yrs old ako nun, marami pa ring mga bagay bagay na hindi ko maintindihan. Kapag mahal na araw ang alam ko lang e kelangan naming sumama sa prusisyon para ipakita ang aming pagsisisi sa mga nagawang kasalanan sa buong taon. Walang paltos na kapag Biyernes Santo kasama kami sa mga nagpuprusisyon.
Nung mamatay ang tatay ko nung grade six ako, nalipat kami sa pagiging protestante. Duon ko naranasan ang bautismo sa tubig. Muli akong nabinyagan ang sabi nila. Kaya hindi ko nun naranasan ang first communion kasi nga iba ang aking relihiyon ng mga panahong iyon.
Pagtuntong ko nung High School, ni hindi ko nga alam ang dasal na AMA NAMIN, hindi ko saulo bagamat naririnig ko na iyon. Duon nakaramdam ako ng hiya sa kapwa ko, at naisip na bakit nga ba hindi ako Katoliko? E halos lahat naman ng tao sa school namin is Katoliko. Nun ko unang naranasang mangumpisal, bago ang graduation. Magsimba ng hindi kasama si nanay. At naranasan maging Katoliko.
Eto na.. graduate na kami… syempre hanap ng eskwelahang mapapasukan sa kolehiyo. Hanggang sa mapasok ako sa Colegio de San Juan de Letran (which is a Catholic school). Doon nagsimula ang pagiging ganap kong Katoliko. Tama nga ung sinasabi nila, na hindi mo mahahanap ang religion sa pagsunod sunod lamang sa yapak ng mga nakakatanda sa iyo., dapat mong maranasan ito, at ikaw mismo ang pipili ng kung anong para sayo… CHOICE mo yun.
Ng matuto ako tungkol sa mga salita ng Diyos na naayon sa Bibliya, ng magkaroon ng kasagutan ang mga bagay bagay at tanong na hindi ko maintindihan nung bata pa ako, duon ako nagdesisyong maging Katoliko. Yun na ang choice ko. Malaki ang naitulong sa akin ng institusyong Letran pagdating sa aking espirutual na katauhan. Duon masasabi kong naging at peace ako being a rightful Christian. Naramdaman kong malapit ako sa Kanya. Natutuhan kong magdasal, umawit ng papuri at pasasalamat sa Kanya, magserve sa pamamagitan ng pagpapamalas ng aking talento at pagtulong sa kapwa. Nagawa ko un sa tulong na rin ng isang organisasyong itinuring ko ng pangalawang pamilya. Ang Koinonia de Letran.
Ngaun nagbabalik sa aking katinuan ang mga pangaral na naayon sa kanyang salita. Naalala ko lahat ng Mass na kinantahan namin bilang choir, mga bata, matanda at pamilyang natulungan namin sa loob din ng tatlong taong pagiging miyembro ng Koino. Ang Visita Iglesia naming kada mahal na araw. At ang mga taong nakasama ko sa loob ng tatlong taong iyon na nag iwan ng napakalaking bakas sa aking pagkatao. Nakakamiss din talaga, ang maglingkod sa Kanya.
Pero paano mo nga ba malalaman kung ano ang tunay na relihiyon? Para sa akin, dun sa kung saan mas magiging mabuting nilalang at mas makakapaglingkod at maipapakita mo sa lahat ang tunay na kahulugan ng pananampalataya sa ating nag iisang Diyos. Masasabi mong nakita mo nay un kapag nagkaroon ka na ng hindi maipaliwanag na kaligayahan sa iyong puso at ganap na katahimikan na alam mong hindi ka Nya pababayaan kahit kaylan.