Tuesday, November 29, 2011
Welcome Back!
Wow after almost 3 years ngayon ko lang naopen ulit tong blog ko.. ang daming nangyari.. akala ko inde ko na ulit maaccess ito.. pero mabuti pa rin at kahit paano naopen ko pa sya.. i'll start posting again.. i know this will help me a lot..

Thursday, April 16, 2009
2009 - Holy week
Today is April 8, 2009. Miyerkules Santo, (nung sinulat ko ang post na to).
Isang holy week na naman ang dadaan sa buhay ko bilang isang Kristiyano. Minsan naiisip ko at nararamdaman ko na nitong dalawang taong nagdaan, maraming mga obligasyong pangrelihiyon ang hindi ko nagagampanan. Nagkukulang na ako sa pagpapakita ng aking pananampalataya… Nanghihina ang aking pang ispiritwal na kamalayan.
Ngaung mahal na araw na nagdaan, naisip ko lang balikan lahat ng magagandang nakaraan ko bilang isang masugid na taga sunod sa ating simbahan. Nakakamiss din lahat ng mga yun.
Sa totoo lang marami na kong religion na napasok simula sa aking pagkabata. Maliit ako nun ng mamumulat sa pagiging born again Christian. Wala pa akong muang sa pagiging isang mabuting taga sunod sa Diyos, basta ang alam ko suma sama lang ako sa kung saan ang religion ng nanay ko. Sa mga panahong iyon ng aking kabataan, siguro mga 6-9 yrs old ako nun, marami pa ring mga bagay bagay na hindi ko maintindihan. Kapag mahal na araw ang alam ko lang e kelangan naming sumama sa prusisyon para ipakita ang aming pagsisisi sa mga nagawang kasalanan sa buong taon. Walang paltos na kapag Biyernes Santo kasama kami sa mga nagpuprusisyon.

Nung mamatay ang tatay ko nung grade six ako, nalipat kami sa pagiging protestante. Duon ko naranasan ang bautismo sa tubig. Muli akong nabinyagan ang sabi nila. Kaya hindi ko nun naranasan ang first communion kasi nga iba ang aking relihiyon ng mga panahong iyon.
Pagtuntong ko nung High School, ni hindi ko nga alam ang dasal na AMA NAMIN, hindi ko saulo bagamat naririnig ko na iyon. Duon nakaramdam ako ng hiya sa kapwa ko, at naisip na bakit nga ba hindi ako Katoliko? E halos lahat naman ng tao sa school namin is Katoliko. Nun ko unang naranasang mangumpisal, bago ang graduation. Magsimba ng hindi kasama si nanay. At naranasan maging Katoliko.
Eto na.. graduate na kami… syempre hanap ng eskwelahang mapapasukan sa kolehiyo. Hanggang sa mapasok ako sa Colegio de San Juan de Letran (which is a Catholic school). Doon nagsimula ang pagiging ganap kong Katoliko. Tama nga ung sinasabi nila, na hindi mo mahahanap ang religion sa pagsunod sunod lamang sa yapak ng mga nakakatanda sa iyo., dapat mong maranasan ito, at ikaw mismo ang pipili ng kung anong para sayo… CHOICE mo yun.
Ng matuto ako tungkol sa mga salita ng Diyos na naayon sa Bibliya, ng magkaroon ng kasagutan ang mga bagay bagay at tanong na hindi ko maintindihan nung bata pa ako, duon ako nagdesisyong maging Katoliko. Yun na ang choice ko. Malaki ang naitulong sa akin ng institusyong Letran pagdating sa aking espirutual na katauhan. Duon masasabi kong naging at peace ako being a rightful Christian. Naramdaman kong malapit ako sa Kanya. Natutuhan kong magdasal, umawit ng papuri at pasasalamat sa Kanya, magserve sa pamamagitan ng pagpapamalas ng aking talento at pagtulong sa kapwa. Nagawa ko un sa tulong na rin ng isang organisasyong itinuring ko ng pangalawang pamilya. Ang Koinonia de Letran.
Ngaun nagbabalik sa aking katinuan ang mga pangaral na naayon sa kanyang salita. Naalala ko lahat ng Mass na kinantahan namin bilang choir, mga bata, matanda at pamilyang natulungan namin sa loob din ng tatlong taong pagiging miyembro ng Koino. Ang Visita Iglesia naming kada mahal na araw. At ang mga taong nakasama ko sa loob ng tatlong taong iyon na nag iwan ng napakalaking bakas sa aking pagkatao. Nakakamiss din talaga, ang maglingkod sa Kanya.
Pero paano mo nga ba malalaman kung ano ang tunay na relihiyon? Para sa akin, dun sa kung saan mas magiging mabuting nilalang at mas makakapaglingkod at maipapakita mo sa lahat ang tunay na kahulugan ng pananampalataya sa ating nag iisang Diyos. Masasabi mong nakita mo nay un kapag nagkaroon ka na ng hindi maipaliwanag na kaligayahan sa iyong puso at ganap na katahimikan na alam mong hindi ka Nya pababayaan kahit kaylan.
Monday, March 30, 2009
HAPPY VIEWING
Hello Ms. Bianca, paki-greet naman mga roomates ko sa Villa 55, Satwa Dubai UAE, pati sila Ate Love, Kuya Jonathan, Ate Mitch at sa mga taga Villa 12 Heroes Village Dubai. And Happy Birthday to Nina na nasa Singapore na ngaun.
Thanks po.
Donna
Thanks po.
Donna
Thursday, April 10, 2008
*** DoNnALyN ***
What Donnalyn Means |
You are balanced, orderly, and organized. You like your ducks in a row. You are powerful and competent, especially in the workplace. People can see you as stubborn and headstrong. You definitely have a dominant personality. You are well rounded, with a complete perspective on life. You are solid and dependable. You are loyal, and people can count on you. At times, you can be a bit too serious. You tend to put too much pressure on yourself. You are very intuitive and wise. You understand the world better than most people. You also have a very active imagination. You often get carried away with your thoughts. You are prone to a little paranoia and jealousy. You sometimes go overboard in interpreting signals. You are usually the best at everything ... you strive for perfection. You are confident, authoritative, and aggressive. You have the classic "Type A" personality. You are relaxed, chill, and very likely to go with the flow. You are light hearted and accepting. You don't get worked up easily. Well adjusted and incredibly happy, many people wonder what your secret to life is. You are a free spirit, and you resent anyone who tries to fence you in. You are unpredictable, adventurous, and always a little surprising. You may miss out by not settling down, but you're too busy having fun to care. |
Wednesday, March 26, 2008
Saloobin
Heto ako ngayon nasa opisina... madaming gawain, maraming kelangang tapusin pero heto ako ngayon nagsusulat nito. Sa totoo lang nalilito kasi ako ngayon.... hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Pinagdarasal ko na sana maging maayos ang lahat. Takot ang nararamdaman ko pero alam ko naman kakayanin ko. Natatakot ako sa kinabukasan. Litong lito. Alam ko kasalanan ko... humihingi ako ng tawad, sa Diyos at sa pamilya ko. Masakit isipin na ganito na nga. Sana talaga maging maayos ang lahat.
Friday, March 7, 2008
Lobo Cast Visited Dubai
Angel Locsin, Shaina Magdayao at Piolo Pascual to promote Lobo in Dubai
Pupunta ng Dubai sa linggong ito ang tatlong bida sa soap operang Lobo ng ABS-CBN na sina Angel Locsin, Shaina Magdayao at Piolo Pascual para i-promote doon ang kanilang teleserye. Ang pagpunta ng cast ng Lobo ay bahagi na rin sa Kapamilya Fiesta na gaganapin sa Dubai on March 7. Kayat sa mga Kapamilya natin sa Dubai, abangan ninyo sila sa pagdating nila.
Meanwhile, madalas kaming makatanggap ng email at sa ibang manonood na pinupuri ang Lobo. In fairness naman, maganda talaga ang soap opera at mahirap palampasin ang mga eksena at mga kaganapan dito.
Bukod kina Angel at Piolo, puring-puri rin nila ang acting ni Ms. Pilar Pilapil at Robert Arevalo sa Lobo.
‘Nga pala, babalik din agad ng ’Pinas ang cast ng Lobo after Kapamilya Fiesta dahil kailangan nilang mag-taping ng iba pang episodes bilang pondo nila sa kagilagilalas na serye.
Nagpunta kami kahapon sa Dubai Media City para makijoin sa Kapamilya Fiesta. Nandun si Dennis Padilla, Charo Santos, Shaina Magdayao, Angel Locsin at papa Piolo Pascual. hehe... ang saya saya.. pakitingnan na lang sa photo album mga pics namin. hahaha
http://www.abs-cbnglobal.com/ItoangPinoy/Entertainment/EntertainmentDetails/tabid/232/ArticleID/1152/TargetModuleID/822/Default.aspx

****

Sunday, January 20, 2008
ALAY SAYO MAHAL KO
Sari saring emosyon....
Hanggang kaylan ako maghihintay?...
Nananabik sa iyong pagdating...
Sa kabila ng napakadaming alalahanin....
Tanging ikaw pa rin...
Tunay na mamahalin at pipiliin...
Ngunit sanay iyong patawarin at tanggapin...
Sa kabila ng lahat...
Ikaw ang tibok ng puso....
Sana ikaw na nga... alam ko... ikaw na nga....
Mahal kita....

Subscribe to:
Posts (Atom)